Share my journey working on Upwork

Jan 15 '20 Vicente 1660 clicks share

Hi good evening everyone. I can't resist to share this with you.

I just want to share my journey na din. I created my UW account last October 2018, I was 7 months pregnant that time, sa tulong ng isang kaibigan, binigyan nya ako ng client and I started at 3$ per hour. Matagal akong naghintay at umaasa na ma aapproved agad ang profile ko, but I was wrong, hindi ganun kadali at halos araw araw ako nagreresubmit. Luckily, after a year, October 2019 at last na approved na ako at niloob ng Panginoon na mabiyayaan ako ng Client ng ganun kabilis naka 3 proposals lang ata ako at di pa nauubos ang 20 free connects ko eh nagka client na agad ako.. Masasabi kong mapalad ako sa kanya kasi bukod sa sweldo ko eh may bonus pa ako every week na 25$.

I was from BPO also kagaya ng marami dito pero masasabi kong kahit kailan hindi ko sinahod sa BPO ang sinasahod ko ngayon. Maraming salamat sa Panginoon sa lahat ng kanyang kabutihan. Sabi nga nila lahat ipagkakaloob sa tamang panahon. Kaya kayo dyan mga kapwa ko freelancer, tyaga lang ng bonggang bongga, lalo na sa mga hindi pa na aapproved, who knows bukas makalawa andyan na rin ang biyaya na matagal mo nang hinihiling. Hindi ko ineexpect na almost 3 months palang after ko ma approved eh TOP RATED na kaagad ako. Sobrang nagpapasalamat din ako sa mga tunay kong kaibigan na nagturo at tumulong sa akin na pasukin ang freelancing. Kasama kayo sa tagumpay ko. Cheers and Good Luck po sa ating lahat. 👍😊🙏

6 Replies

congratulations!!! very inspiring 😍

Truly inspiring. ❤️

So inspiring! Congratssss ❤️✨

Sana all....congrats ❤❤

I’m from BPO also, but since 2014 nag pa part time na ako sa kuya ko and friends niya na trabahuin ang ilan sa mga contracts nila sa upwork kaya may knowledge na ako sa upwork. Last october nag decide ako mag create na ng own account ko. Ang hirap ma approve kaya nakapag dexide ako mag apply sa BPO. Then last dec 3, nag attempt ako ulit mag submit nga application ayun after 5mins approved na account ko.

Sana makahanap na din ako ng client ko this year i have 6 connects remaining

-Lead generator here.

Congrats btw

congrats! sana all my friends like you. gusto ko na talagang umalis sa bpo world pero till now wala pa makuha client kaya di makabitaw sa bpo. pero tama ka, lahat ipagkakaloob kung para sayo.

Top